Wednesday, July 17, 2013

Prison break of open spaces.


Walang usad
Paa'y pagod na.
Puso'y ngawit na.
Sa ikot ng mundong
Kalahating bahagdan ay kalituhan.
Sana'y itulak ng usok
Palabas ng pagkataong nilamon na ng sistema
Paghihingalong nakabitin.
Pag-asang hinangin.
Minasdan ang sarili.
Kawalan ang nahagip.

Walang usad
Sa mundong nilamon ng sistema
Mula ulo hanggang paa
Nakataling kamay
Isipang natangay
Walang babala.
Walang pumigil sa tiwala.
Walang bulong para kumawala.

Kung ito ang dulo
Tanong ay bakit paikut-ikot?

Paa'y pagod na.
Puso'y wala na.
Sa sayaw ng sistemang nilamon ang mundo
Indak na walang tyempo.
Paikut-ikot.

Pumikit.
Sumigaw.
Sumayaw ang mga paang uhaw.
Patakas sa sistemang agaw-buhay
Tumatakbo nang panakaw.


No comments:

Post a Comment